TKO | Pinoy fighter na si Kevin Belingon, tinalo ang American fighter na si Andre Leone
Wagi ang filipino fighter na si Kevin Belingon nang makatunggali nito ang American fighter na si Andre Leone sa pinaglabanang one championship bantamweight crown na ginanap kagabi sa Mall of Asia area.
Pinahirapan ni Belingon si Leone sa opening round pa lamang makaraan niya itong agad na mapatumba.
Nahirapan si Leone sa mga naging atake ng Filipino fighter kung saan nagtamo pa ito ng sugat sa taas ng kaliwang mata.
Sa second round, hindi na nakabawi pa si Leone sa sunod-sunod na atake ni Belingon, kaya at ang mismong referee na ang nagpahinto ng laban.
Source: Facebook
Camarines Sur 1st District Rep. Rolando Andaya, nagpaliwanag sa kumalat niyang video kung saan siya ay nagwawala
dog
Nagpaliwanag si Camarines Sur First District Rep. Rolando Andaya Jr. Kaugnay sa kumalat na video kung saan makikitang nagkainitan at muntik na silang magpang-abot ni Camarines Sur 2nd District Rep. Luis Raymund Villafuerte Jr.
Kwento ni Andaya, inirereklamo ng mga residente at alkalde ng bayan ng pili ang pagtatambak ng lupa sa kanilang daanan.
Nangyari ito matapos umanong tumanggi ang mga magsasaka na ipagbili ang kanilang lupa sa halagang 8 pesos per square meter na umano ay gagamitin sa ipinatatayong airport sa lugar.
Dahil dito, humingi ng tulong ang mayor ng pili kay Andaya para makausap at papagpaliwanagin ang gobernador tungkol sa pagtatambak ng lupa.
Pero pagkarating daw niya sa tanggapan ng gobernador, naabutan niya ang alkalde na napapaligiran ng nasa 50 tauhan ng gobernador.
Nakiusap pa umano siya na baka pwedeng lumayo muna ang mga ito para mapahupa ang tensyon at nang kapkapan, nakuha nila sa mga tauhan ng gobernador ang mga itak at kutsilyo.
Dahil dito, nagpasya silang i-report ito sa pulisya pero pagdating sa presinto at naabutan niya si Villafuerte kasama ang mga nagrereklamo ring tauhan ng gobernador na umano ay sinaktan ng mga tauhan ni Andaya.
Doon na raw sila nagkasagutan ni Villafuerte kung saan umawat ang nasa 30 tauhan ng kapwa kongresista hanggang mapalabas siya sa presinto.
Wala nang planong magsampa ng kaso si Andaya pero desidido ang kampo ni Villafuerte na kasuhan siya sa korte at kamara.
Sa huli, nanindigan si Andaya na ipinaglalaban niya lang ang karapatan ng maliliit na magsasaka.
DAPAT MAG-SORRY | Pangulong Duterte, pinagso-sorry kay Sister Patricia
dog
Manila, Philippines – Pinaghihingi ng paumanhin ni ACT Teachers Representative Antonio Tinio si Pangulong Duterte para sa Australian nun na si Sister Patricia Fox na ipinaaresto at ikinulong ng Bureau of Immigration (BI).
Ayon kay Tinio, maliban sa pagso-sorry ay dapat na magpasalamat din si Pangulong Duterte dahil malaki ang naitulong ni Sister Pat sa mga Pilipino pati sa mga taga Davao.
Hinala naman ni Anakpawis Representative Ariel Casilao maaaring nabigyan ng maling impormasyon ang Pangulo tungkol sa aktibidad ni Sister Pat sa bansa.
Aniya, dalawamput pitong taon na umano ang nakararaan nang isakripisyo ni Sister Pat ang komportableng buhay sa Australia para tumulong sa mga aeta sa Central Luzon.
Giit pa ng kongresista, hindi nagsalita sa alinmang rally at hindi naglalabas ng anti-government na sentimyento si Sister Pat.
Cats Are So Cute and Funny You Can't Stop Laughing
dog
Subscribe to:
Posts (Atom)
Powered by Blogger.